Nagpasakloklo sa korte ang asawa ni Vice President Sara Duterte para pigilan ang Bureau of Internal Revenue na ilabas ang kanyang tax records para sa House justice committee na sisimulan ang impeachment proceedings laban sa bise presidente.

Sa kanyang petition for prohibition and injunction na inihain sa Quezon City Regional Trial Court, sinabi ni Stty. Manases Carpio, ang asawa ni Vice President Duterte, na walang kapangyarihan ang anomang ahensiya ng pamahalaan na i-subpoena ang records ng isang pribadong indibdual kung walang pag-aproba mula sa subject person.

Iginiit ni Carpio na ang tax returns ng isang pribadong indibidual ay confidential.

Tinukoy bilang respondents sa petisyon sina House Speaker Faustino Dy III at Batangas Rep. Gerville Luistro, chair ng justice committee.

Noong Abril 6, naglabas ng subpoena ang komite sa BIR upang kunin ang tax compliance at income statements ni Duterte, pati na rin ang certified true copies ng kanyang income tax returns at ng kanyang asawa.

-- ADVERTISEMENT --

Saklaw ng mga dokumentong ito ang kanyang panunungkulan bilang Bise Presidente at ang kanyang mga termino bilang alkalde at bise alkalde ng Davao City.

Inilabas ang subpoena matapos sabihin ni Rep. Terry Ridon sa isang naunang pagdinig na tumaas ng mahigit 300 porsiyento ang net worth ni Duterte mula 2008 hanggang 2024.