Tiniyak ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na magiging malinaw, maayos, at nakatuon sa konkretong resulta ang agenda ng mga lider para sa 48th ASEAN Summit na gaganapin ngayong Biyernes, Mayo 8.

Sa isinagawang 38th ASEAN Coordinating Council (ACC) Meeting sa Cebu nitong Huwebes, sinabi ni Ma. Theresa Lazaro na rerepasuhin ng mga miyembrong bansa ang implementasyon ng mga naunang desisyon at iba pang mahahalagang usapin ng ASEAN bago ang summit.

Ayon kay Lazaro, layunin ng pagpupulong na matiyak na nakatuon ang mga lider sa mga hakbang na maghahatid ng makabuluhang resulta para sa rehiyon.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaisa, katatagan, at kooperasyon ng ASEAN sa gitna ng mga hamon tulad ng seguridad sa enerhiya, seguridad sa pagkain, at proteksyon sa mga mamamayan ng rehiyon.

Dagdag pa niya, bibigyang-pansin din sa summit ang pagpapatupad ng ASEAN Community Vision 2045 upang lalo pang mapalakas ang koneksyon at pagtutulungan ng mga bansang kasapi.

-- ADVERTISEMENT --

Pinangunahan ng Pilipinas ang naturang pagpupulong bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na ASEAN Summit.