
Humarap sa National Bureau of Investigation o NBI si Ateneo de Manila University President Fr. Roberto “Bobby” Yap kaugnay ng imbestigasyon sa pagkamatay ng student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa isang team-building activity sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.
Nagsumite si Yap ng mga dokumentong hinihingi ng NBI at sinagot ang mga katanungan ng mga imbestigador tungkol sa insidente. Iginiit din niya na patuloy na nagbibigay ng suporta at tulong ang pamunuan ng Ateneo sa mga pamilya ng dalawang nasawing estudyante.
Inaasahan namang haharap sa NBI sa Lunes ang lima pang personalidad na pinadalhan ng subpoena upang kumpletuhin ang isinasagawang imbestigasyon.
Samantala, sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na magiging patas at propesyonal ang kanilang imbestigasyon at nakabatay lamang ito sa mga ebidensyang kanilang makakalap bago isumite ang resulta sa Department of Justice.










