Inamin ng testigong iniharap ng kampo ni Vice President Sara Duterte na may mga “red flags” sa operasyon at transaksiyon ng kumpanyang Cale88, ngunit iginiit na hindi ito awtomatikong nangangahulugan ng ilegal na gawain.

Sa pagdinig ng impeachment trial, tinanong ni Senator-judge Risa Hontiveros si AML Consulting PH head Rainer Dela Fuente tungkol sa 757 covered at suspicious transaction reports na may kabuuang halagang P1.245 bilyon na iniugnay sa naturang food company.

Ayon kay Dela Fuente, tanging ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang makapagtatakda kung kahina-hinala ang mga transaksiyon. Gayunman, kinilala niyang kabilang sa mga dapat masusing suriin ang mga ulat hinggil sa dalawang empleyado ng kumpanya at mga transaksiyon nito sa China.

Nilinaw naman ng testigo na ang pagkakaroon ng mga red flag ay hindi direktang ebidensiya ng anumang paglabag sa batas.

Iniuugnay ang Cale88 sa asawa ni Vice President Sara Duterte na si Manases Carpio.

-- ADVERTISEMENT --