
Nakikipag-ugnayan na sa mga awtoridad ng bansa sa kanilang Vietnamese counterparts para kumpirmahin ang intelligence reports na nasa nasabing bansa ang negosyante sin Atong Ang.
Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na may diplomatic efforts sa Vietnamese counterparts para tignan ang immigration records kung naroon nga si Ang.
Ayon kay Remulla na may extradition treaty ang bansa sa Vietnam.
Sinabi ni Remulla na posibleng lumabas ng bansa si Ang sa pamamagitan ng backdoor sa Mindanao papuntang Malaysia, ilang linggo bago lumabas ang kanyang arrest warrants.
Ang arrest warrants ay inilabas laban kay Ang at iba pa, kaugnay sa maraming bilang ng kidnapping with homicide at kidnapping at serious illegal detention may kaugnayan sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Mariing pinabulaanan ni Ang ang mga nasabing alegasyon.
Una rito, humiling ang bansa ang Interpol red notice laban kay Ang.










