TUGUEGARAO CITY-Itinalaga bilang bagong Provincial General Services Officer (GSO) si Atty. Ian Luis Aguila kasabay ng regular session ng Sanguniang Panlalawigan, kahapon.

Inaprubahan ang appointment ni Aguila matapos makita ng mga miembro ng SP na sapat ang kaalaman at kakayahan nito para sa naturang posisyon.

Nabatid na Enero 9,2019 pa naibigay ang appointment paper ni Aguila ngunit hindi ito agad na inaprubahan dahil sa kakulangan ng karansan.

Ngunit dahil sa ilang buwan na pagiging Officer-in-Charge nito sa naturang ahensiya ay nakumbinsi ang mga miembro ng SP para ilagay siya sa naturang posisyon.