
Maghihigpit ang Australia sa mga visa para sa foreign students, backpackers at working holiday-makers bilang bahagi ng hakbang ng gobyerno na bawasan ang migration sa bansa.
Ayon kay Home Affairs Minister Tony Burke, hindi na papayagang isama ng mga foreign student ang kanilang partner at mga anak habang nag-aaral sa Australia.
Hihigpitan din ang pagpapatupad laban sa mga overstayer at sa tinatawag na “visa hopping,” o pagpapalit-palit ng temporary visa para mapahaba ang pananatili sa bansa.
Target ng gobyerno na bumaba ang net annual migration mula sa kasalukuyang 300,000 tungo sa 225,000 pagsapit ng 2028, habang bibigyang-prayoridad sa visa ang mga skilled worker sa construction at housing.










