Balak ng Austria na palawakin ang kanilang pagre-recruit ng mga Filipino health professionals.

Partikular na ipinaabot ng Austrian government sa Department of Migrant Workers (DMW) ang intensyon nitong kumuha ng karagdagang Filipino nurses at caregivers.

Plano rin ng Austria na dagdagan ang pagkuha ng mga Filipino workers na ide-deploy sa tourism industry.

Sa kasalukuyan, humigit-kumulang 8,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang naninirahan sa Austria.

Sa bilang na ito, nasa 700 ang na-deploy sa nasabing bansa sa nakalipas na dalawang taon.

-- ADVERTISEMENT --