Tiniyak ng Department of Migrant Workers o DMW ang patuloy nitong pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapalakas ang post-repatriation assistance para sa mga umuwing Overseas Filipino Workers (OFWs).

Kabilang sa mga programang inihahanda ng ahensya ang profiling, skills assessment, job matching, livelihood assistance, at National Reintegration Network Job Fairs sa iba’t ibang lalawigan.

Ayon sa DMW, hindi lamang ligtas na repatriation ang kanilang tinututukan kundi maging ang pagbangon at panibagong simula ng mga repatriates kasama ang kanilang mga pamilya.

Sa pinakahuling ulat ng ahensya, mahigit 10,000 Pilipino mula sa Middle East ang napauwi na sa bansa.

Kabilang sa mga repatriated individuals ang dependents ng OFWs at maging mga non-OFWs.

-- ADVERTISEMENT --