Away ng maglive-in partner ang pinaniniwalaang dahilan ng isang 19-anyos na babae sa tangkang pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa Abusag Bridge sa Barangay San Jose, baggao, Cagayan.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Manuel Villoria Jr., hepe ng Baggao Police, lumilitaw na ang matinding depresyon na dulot ng pag-aaway sa pagitan ng hindi na pinangalanang biktima at ng kanyang kinakasama ang nagtulak sa kanya upang tumalon sa tulay.

Matapos masagip ng pulisya at rescuer ang biktima sa tubig ay agad itong isinailalim sa medical assessment at kalaunan ay pinayagang makalabas matapos matukoy na wala itong malubhang tinamong pinsala.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) upang mabigyan ng psychosocial intervention at suporta ang biktima at ang kaniyang pamilya.

-- ADVERTISEMENT --