Kulong ang mag-live-in partner sa San Juan, Batangas na suspect sa pagpatay at pagsunog sa isang babae na may kapansanan sa Barangay Barualte.

Ayon sa PNP San Juan, unang iniulat na nawawala ang biktima na si Mary Jane delos Reyes, 33 anyos, single mother at person with disability noong Lunes.

Kinabukasan ng Martes, nakita ng kanyang kapitbahay ang chinop-chop at sunog na katawan ng biktima sa pagawaan ng uling sa Sitio Centro.

Pumunta ang Batangas Provincial Forensic Unit para suriin ang lugar at kilalanin ang biktima.

Subalit, siya ay positibong kinilala ng kanyang nakatatandang kapatid na si Maryjune delos Reyes sa pamamagitan ng kanyang damit at singsing.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na kamag-anak din ng biktima ang mga suspect.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa nasabing krimen.