

TUGUEGARAO CITY- Binigyan diin ni Mayor Joan Dunuan ng Baggao, Cagayan na walang integridad ang Civil Service Commission.
Reaksion ito ni Dunuan sa panibagong desisyon ng CSC na nagpapatibay sa naunang desisyon na perpetual disqualification laban sa kanya dahil sa kasong administratibo dahil sa mga kasong serious dishonesty at falsification of public documents ng kawani pa siya ng LGU Baggao.
Iginiit ni Dunuan na nasa Supreme Court na ang nasabing kaso kaya nagtataka siya kung bakit pinakialaman na naman ito ng CSC.
Kinuestion din ni Dunuan ang hindi pagharap sa kanya ng mga commissioners ng CSC nang personal siyang pumunta sa central office ng ahensiya.
Dahil dito, sinabi ni Dunuan na dadalhin niya ang usaping ito kay Pangulong Rodrigo Duterte upang malaman niya ang mga kamalian na ginagawa ng CSC.
Kaugnay nito, inakusahan ni Dunuan si dating Mayor Leonardo Pattung na siya ang nasa likod ng paglabas ng nasabing desisyon ng CSC.
Bukod dito, naniniwala si Dunuan na kasabwat din ni Pattung ang isang opisyal ng Department of Interior and Local Government para maipatupad ang nasabing desisyon.




