
Muling itataas ng Yellow Alert ang Visayas grid ngayong araw, November 27.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), itataas ito sa naturang alerto mamayang alas-5:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi.
Kabilang sa mga dahilan ng Yellow Alert ang hindi planadong pagkawala ng operasyon ng TVI Unit 2, de-rated capacity ng TVI Unit 1, planadong maintenance ng PCPC at KSPC Unit 2, at limitadong power import mula sa Mindanao grid.
Dagdag pa rito ang 10 planta na kasalukuyang naka-forced outage ngayong Nobyembre, habang may iba pang mga planta na matagal nang hindi operational mula pa noong mga nakaraang taon.
Ang Yellow Alert ay idinedeklara kapag hindi sapat ang operating margin upang matugunan ang contingency requirement ng transmission grid.









