photo by Cagayan Provincial Information Office

TUGUEGARAO CITY- Binuksan na para sa publiko ang bagong mukha ng Rizal Park sa Tuguegarao City.

Ito ay matapos pasinayaan kahapon ang nasabing lugar na pinangunahan ni Governor Manuel Mamba.

Sinabi ni Jennifer Baquiran,tagapangasiwa ng Cagayan museum na kasabay ng pagpapasinaya ay ang unveiling ng marker sa Rizal park.

Kaugnay nito, sinabi ni Baquiran na sa ngayon ay nasa pangangasiwa pa ng General Services Office ang Rizal park subalit i-eendorso rin ito sa kanila dahil malapit lang ito sa museum na itinuturing na heritage zone kasama ang Tuguegarao East Central School na mayroon ding gusali na pinoproseso na para ideklarang historical heritage.