
Patuloy ang paglakas ng Tropical Storm Mekkhala sa Karagatang Pasipiko at posibleng mahagip ng sirkulasyon ng bagyo ang Extreme Northern Luzon at magpabalik ng habagat sa susunod na linggo.
Ang l𝗼𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗻𝘁𝗿𝗼 ng bagyo ay huling namataan kaninang alas 10:00AM sa layong 1,590 km East of Southeastern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin malapit sa gitna na aabot sa 85 km/h at pagbugsong aabot sa 105 km/h. Ang bagyo ay kumikilos Westward sa bilis na 20 km/h Westward.
Ngayong araw, mga 𝗹𝗼𝗰𝗮𝗹𝗶𝘇𝗲𝗱 𝘁𝗵𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀𝘁𝗼𝗿𝗺 at 𝘁𝗿𝗼𝘂𝗴𝗵 𝗻𝗴 𝗧𝗿𝗼𝗽𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗦𝘁𝗼𝗿𝗺 𝗠𝗲𝗸𝗸𝗵𝗮𝗹𝗮 ang posibleng magpaulan sa ilang bahagi ng bansa.
Ang sentro ng Tropical Storm MEKKHALA ay lubhang malayo pa sa Pilipinas at 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗶𝗿𝗲𝗸𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗲𝗽𝗲𝗸𝘁𝗼 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘄𝗲𝗲𝗸𝗲𝗻𝗱.
Ang 𝘀𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻 sa lokal na listahan ng mga bagyo ay Francisco.
Nananatiling 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗶𝘆𝗮𝗻𝘀𝗮, 𝗻𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗶𝗻𝗮𝗮𝗹𝗶𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗼𝘀𝗶𝗯𝗶𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱, na mag-landfall ang bagyo sa Extreme Northern Luzon dahil inaasahang magre-recurve ito patungo sa southern Japan.
May posibilidad na 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶𝗽 𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗿𝗸𝘂𝗹𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗘𝘅𝘁𝗿𝗲𝗺𝗲 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻 at magdulot ng maulan at mahangin na panahon 𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗲𝘀 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗛𝘂𝘄𝗲𝗯𝗲𝘀.
Inaasahang patuloy na lalakas ang bagyo at 𝗽𝗼𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗬𝗣𝗛𝗢𝗢𝗡 (𝟭𝟭𝟴–𝟭𝟴𝟰 𝗸𝗺/𝗵) bukas, habang nasa Philippine Sea.
Dahil sa inaasahang impluwensiya ng papalapit na bagyo, posibleng manumbalik ang #habagat, 𝗻𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗴𝗮𝗻𝗼𝗼𝗻 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗲𝗽𝗲𝗸𝘁𝗼 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝘀𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝗹𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼.










