Nangangailangan ang Department of Education o DepEd ng mahigit P5.072 bilyon para sa pagsasaayos at rehabilitasyon ng mga paaralang napinsala dahil sa Habagat at mga nagdaang bagyo.

Ayon sa DepEd, 476 paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nasira, habang tinatayang P1.013 bilyon ang kakailanganin para sa pagsasaayos ng 624 na paaralan.

Bukod dito, nasa P277.34 milyon ang kailangan para sa minor repairs ng 1,444 paaralan, habang P46.983 milyon naman ang inilaan para sa paglilinis at clearing operations sa mga apektadong paaralan.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service sa mga field office upang matukoy ang lawak ng pinsala at matiyak na agad na maisasagawa ang kinakailangang pagkukumpuni.

Layunin ng kagawaran na maibalik sa maayos at ligtas na kondisyon ang mga paaralan upang hindi tuluyang maantala ang pag-aaral ng mga estudyanteng naapektuhan ng kalamidad.

-- ADVERTISEMENT --