
Inaasahang may bahagi ng oil production sa Middle East na hindi maibabalik sa dating antas hanggang sa katapusan ng 2027, ayon sa United States Energy Information Administration o EIA.
Tinatayang nasa 600,000 barrels per day ang production na mananatiling suspendido dahil sa mga pag-atake sa energy infrastructure at pagkaantala ng shipments sa Strait of Hormuz.
Ayon sa EIA, umabot sa 5.5 milyong barrels kada araw ang oil production na pansamantalang isinara sa Middle East noong Hulyo, na nagdulot ng kakulangan sa pandaigdigang suplay at pagtaas ng presyo ng langis.
Itinaas ng EIA ang forecast nito sa average price ng Brent crude sa $86.81 kada barrel ngayong 2026, habang inaasahang bababa ito sa $69.39 kada barrel sa 2027.








