Ninakawan ang bahay ng isang pulis ng hindi pa nakilalang mga kawatan sa lungsod ng Tuguegarao.

Kinilala ang biktima na si Pol. Chief Master Sgt. Emerito Baquiran, 46-anyos, aktibong pulis sa bayan ng Enrile at residente sa Barangay Caritan Centro.

Sa inisyal na imbestigasyon, madaling araw nang napansin ng kapatid ng biktima na sinadyang sinira at binuksan ang door knob ng pintuan sa likurang bahagi ng bahay.

Nabatid na tinangay ng mga kawatan ang dalawang cellphone, wallet na may lamang P7,000, kabilang ang isang P1,000 na ginagamit bilang buy-bust money at mga ID’s.

Samantala, natagpuan sa ibabaw ng mesa ang isang screw driver na ginamit sa panloloob.

-- ADVERTISEMENT --

with reports from Bombo John Andrew Caronan