Isang bangkay ng babae ang natagpuan na nakabalot sa kahon at saka at isinilid sa isang drum sa isang bangin sa Marcos Highway sa Antipolo, Rizal.

Sinabi ng pulisya na nakita ang drum ng mga batang nangangalakal sa Barangay San Jose.

Pagkabukas sa drum, doon na tumambad ang duguang katawan ng biktima.

May taas na limang talampakan ng babae, may tattoo sa hita at nakasuot ng puting pang-itaas at maong na short.

Patuloy na tinutukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Iniimbestigahan na rin ang insidente para malaman kung sino-sino ang nagtapon sa nasabing bangkay.