TUGUEGARAO CITY – Iniimbestigahan pa ng PNP kung ano ang nangyari sa isang binatilyo na natagpuan ang kanyang bangkay sa Natappian West,Solana, Cagayan kahapon.

Sinabi ni PCapt. Junjun Balisi, hepe ng PNP Solana na inaalam na nila kung may kinalaman ang taong nag-imbita kay Prince Curry Talamayan, 17 sa isang inuman.

Ayon kay Balisi, bago ang insidente ay may kumuha umano sa biktima at dinala siya sa inuman.

Idinagdag pa ni Balisi na inaalam na rin nila kung itinapon o sa lugar mismo kung saan nakita ang bangkay ginawa ang krimen.

Sinabi ni Balisi na may tatlong tama ng baril sa katawan ang biktima.

-- ADVERTISEMENT --