Patay na nang iahon sa dagat ang isang mangingisda na nalunod sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.

Kinilala ng kanyang kamag-anak ang bangkay na si Froilan Avenoja, 32-anyos at residente sa Barangay Caroan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Pol. Maj. Elpidio Zingapan, hepe ng Gonzaga PNP na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin nang nagpaalam ang biktima noong Mayo katorse upang mangisda.

Makalipas ang dalawang araw ay natagpuan na lamang ang palutang-lutang na bangkay ng biktima sa pampang na bahagi ng karagatang sakop ng Barangay Cabanbanan Norte..

Batay naman sa post mortem examination, lumalabas na pagkalunod nga ang ikinamatay ng biktima.

-- ADVERTISEMENT --