Naiuwi na kahapon sa kanilang tahahan sa Masical Amulung, Cagayan ang mga labi ni Marjorie Saquing Ancheta, ang OFW na namatay sa nangyaring pagbaha sa sharja United Arab Emirates noong Abril 16 taong kasalukuyan

Sinalubong ito ng kaniyang pamilya kasama ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Region 2 at LGU Amulung sa Tuguegarao City Domestic Airport .

Ayon sa kanyag pamilya, dinala ang labi ni Marjorie sa isang punenarya bago inuwi sa kanilang Bahay.

Sinabi pa ng pamilya, na sobra nilang ikinalungkot ang nangyrai kay Marjorie na hanngnag ngyon ay hindi pa rin nila matanggap lalong-lalo na ang kanya tatlong anak na umasa na makikita muli nila ang knilang ina pagkatapos ng dalawang taon na kontrata.

Samantala nagpapasalamat naman ang pamilya OWWA Region 2 ,sa LGU Amulung at sa lahat ng mga taong tumulong sa kanila simula nang mangyari ang trahedya hangganag naiuwi na ito sa kanilang tahanan sa Masical, Amulung.

-- ADVERTISEMENT --

Nangako naman si Amulung Mayor Elpidio Rendon ng tulong pinansyal na ibibigay ng LGU para sa naiwang pamilya ng OFW.

Matatandaan na isa si Marjorie sa tatlong Filipino na nasawi sa suffocation habang nasa loob shuttle galing sa trabaho nang mangyari ang malawakang pagbaha sa UAE nitong nakaraang buwan.