Inaasahan ng mag-asawang Margot Robbie at Tom Ackerly ang kanilang unang anak.

Ayon sa mga source, kinumpirma nila na buntis ang “Barbie” actress.

Gayonman, hinihintay pa ng lahat na mismong ang mag-asawa ang magsabi tungkol dito.

Nagpakasal ang dalawa noong 2016.

Kilala ang dalawa na pinapanatiling pribado ang kanilang personal na buhay.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na hindi nila ipinalaam sa publiko ang kanilang engagement at ikinasal sila sa isang secret ceremony sa Byron Bay, Australia.