
Mahigpit ang babala ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III sa mga pulis na babagsak sa firearms proficiency.
Ayon kay Gen. Torre, kapag hindi pumasa sa itatakdang classification standards ang isang pulis, irerecall ang kanyang issued firearm at obligadong sumailalim muli sa training.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng layunin ng PNP na tiyaking handa, may kakayahan, at maaasahan ang bawat kasapi ng kapulisan sa gitna ng anumang operasyon.
Nauna nang sinabi ni Torre, na hindi lamang mga baguhang pulis ang sasailalim sa proficiency test, kundi pati mga opisyal nasa top leadership positions.