Ibinahagi ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na kabilang sa priority measures ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naging LEDAC meeting ang kanyang isinusulong na Senate Bill No. 1823.

Ang panukalang ito ay tumutukoy sa pag-reset ng unang regular Bangsamoro Parliament election sa ikalawang Lunes ng Setyembre ngayong taon habang gagawin naman din to kada tatlong taon.

Ayon kay Zubiri, mismong ang Pangulo na rin ang nagsabi na hindi na dapat pang magkaroon ng delay ang eleksyon sa BARMM.

Paniniwala ng senador, hindi makakabuti sa bansa ang muling pagliban dito dahil maari itong makasira sa tiwala ng publiko sa Bangsamoro government at maging sa national government.

Dagdag pa niya, hindi na dapat maging bala pa ang ipalit ng ilan sa dapat ay balota lang.

-- ADVERTISEMENT --

Maalala, maliban sa panukalang ito, kabilang din sa listahan ng priority measures ng Pangulo ang CADENA Act, IPC Bill at Anti-Fake News.