Isiniwalat ni American singer-songwriter Barry Manilow na na-diagnose siya ng lung cancer, kung saan plano niya na magpagamot.

Sinabi ng Grammy winner, 82 anyos sa kanyang post sa Instagram, sa kanyang MRI, nakita ang cancerous spot sa kaliwang baga na kailangan na matanggal.

Ayon sa kanya, masuwerte siya dahil sa agad na nakita ito ng kanyang doktor matapos ang matagal na ring pagpapagamot niya sa bronchitis.

Idinagdag pa ni Manilow na plano niyang sumailalim sa surgery para tanggalin ang cancer, kung saan kinansela na niya ang kanyang mga shows ngayong Disyembre at sa Enero ng susunod na taon.

Sinabi niya na hindi makapaniwala ang mga doktor na kumalat na ang cancer at sumasailalim siya sa iba pang pagsusuri para makumpirma ang kanilang diagnosis.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, hindi siya sumasailalim sa chemo at radiation, at ang kanyang madalas na kainin ay chicken soup.

Sinabi pa ng soft rock singer, na kilala sa serye ng kanyang hits noong 1970s kabilang “Copacabana” at “I Write the Songs,” na plano niyang bumalik sa kanyang pagtatanghal sa kalagitnaan ng Pebrero ng 2026.