Itinalaga si Davao City Mayor Sebastian Duterte bilang bagong pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP-Laban) sa ginanap na National Council Meeting ng partido.

Ayon kay Senator Bong Go, napag-usapan sa pulong ang mahahalagang isyu at direksyon ng partido, at muling pinagtibay ang kanilang pagkakaisa at layuning maglingkod sa mamamayan.

Si Duterte ay anak ni Rodrigo Duterte at kapatid ni Sara Duterte. Naging alkalde siya ng Davao City matapos manungkulan bilang acting mayor kasunod ng pagkakaaresto ng kanyang ama kaugnay ng isyu sa war on drugs.

Nanumpa siya bilang ganap na alkalde noong Enero at ngayon ay hahawak na rin ng pamumuno sa isa sa mga pangunahing partidong pulitikal sa bansa.