
COVID-19 free na muli ang lalawigan ng Batanes matapos makarekober ang lahat ng mga naitalang positibong kaso.
Sa inilabas na pinakahuling datos ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batanes, nag-negatibo na sa naturang sakit matapos gumaling ang labing-apat na kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa probinsya.
Kasabay nito, wala na ring suspected case sa Batanes dahil nag-negatibo rin sa RT-PCR test ang mga indibidwal na suspect sa COVID-19.
Wala rin naitala ang Batanes na namatay dahil sa COVID-19 mula sa 14 na naitalang total confirmed cases ng probinsya.