Patay nang matagpuan sa Victoria, Tarlac ang 8-anyos na nawawalang anak ng policewoman na unang nakita ang bangkay sa Pulilan, Bulacan noong Enero 24, 2026.

Huwebes ng hapon nang unang makatanggap ng impormasyon ang pulisya na isang bangkay ang natagpuan sa Barangay Maluid sa Victoria.

Pero hindi pa matiyak kung ito ang nawawalang anak ng pinaslang na si Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido.

Unang nakita ang bangkay ni Mollenido sa isang sapa sa Pulilan-Baliuag Bypass Road sa Barangay Dulong Malabon sa Pulilan noong Enero 24, na may tama ng bala ng baril sa ulo.

Inihayag ni Victoria Chief of Police Major Marty Calara, na kinumpirma umano ni Police Senior Master Sergeant John Mollenido, dating mister ni Mollenido, na ang anak nila ang nakitang bangkay.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy pa ang imbestigasyon para malaman ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Si John ay kasama sa persons of interest sa nasabing kaso, kasama ang isang car sales agent dahil na rin sa impormasyon na nagbenta siya ng sasakyan ang biktima.

Napag-alaman ng pulisya na inaanak sa kasal ng biktima ang naturang ahente.

Nawawala sa ngayon ang naturang ahente pero pinasok ng mga pulis ang bahay nito sa Quezon City sa bisa ng search warrant, kung saan huling nakitang buhay ang biktimang pulis.

May nakita umanong bakas ng dugo sa bahay na ikukumpara sa dugo ng biktima sa pamamagitan ng DNA.