Tugeugrao City- Wagi ang bayan ng Gonzaga sa isinagawang Search for Masagana at Malinis na Karagatan (MMK) for outstanding coastal community sa buong rehiyon.
Kaugnay nito, makakatanggap ng P 2m ang Gonzaga para sa livelihood project para sa kanilang mga mangingisda.
Pumangalawa sa mga bayan na nakakuha ng award ay ng Sta. Ana na may premyong P1M sinundan pa ng bayan ng Aparri na mag uuwi naman ng P500,000.
Ilan sa mga ikinunsiderang kwalipikasyon sa pagkapanalo nila ay ang kalinisan sa mga dalampasigan at ang pagkakaroon ng regular closed fishing season.
Dagdag pa rito ang pagkakaroon ng marine protected area, kawalan ng illegal fishing at may maayos na mangrove protection program.
Tauntaon na isinasagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 2 ang nasabing aktibidad at ang tinatanghal na champion ay isinasali sa national competition.
Ang hakbang na ito ay upang mahikayat din ng BFAR ang mga mangingisda na pangalagaan ang mga dalampasigan at mga yamang dagat ng bansa.