
Pasok na sa Round of 32 ng FIFA World Cup ang Belgium matapos tambakan ang New Zealand, 5-1, sa kanilang huling laban sa Group G na ginanap sa Vancouver, Canada.
Pinangunahan ni Leandro Trossard ang panalo ng Belgium matapos umukit ng dalawang goal, habang nag-ambag din ang iba pa nilang mga kakampi upang maselyuhan ang dominanteng panalo.
Dahil sa resulta, nagtapos ang Belgium sa tuktok ng Group G na may limang puntos at mas mataas na goal difference kaysa Egypt, na nakalusot din sa susunod na yugto matapos ang 1-1 tabla kontra Iran.
Tuluyan namang nagtapos ang kampanya ng New Zealand sa torneo matapos magtapos sa ibabang bahagi ng grupo na may isang puntos lamang.
Makakaharap ng Belgium sa Round of 32 ang isa sa walong pinakamahusay na third-placed teams sa pagpapatuloy ng FIFA World Cup.










