
Nagpatupad ang FIFA Disciplinary Committee ng ilang parusa laban sa mga manlalaro at opisyal ng Argentina dahil sa kanilang naging asal matapos ang pagkatalo sa Spain sa World Cup 2026 final.
Pinakamabigat ang 10-match suspension at $90,000 na multa kay midfielder Leandro Paredes matapos siyang sangkot sa gulo kasunod ng 1-0 pagkatalo ng Argentina sa extra time.
Sinuspinde rin sina Nahuel Molina ng pitong laro at $90,000 na multa, Thiago Almada ng isang laro at $30,000, at team official Roberto Ayala ng tatlong laro at $30,000.
Pinatawan din ng isang larong suspensyon at $30,000 na multa si Spain midfielder Gavi.
Samantala, pinagmulta ng FIFA ng $321,000 ang Argentine Football Association dahil sa ilang paglabag, kabilang ang hindi wastong kilos ng koponan at discriminatory chants at gestures ng kanilang supporters.
Inatasan din ang Argentina na maglaan ng $100,000 mula sa multa para sa programang laban sa diskriminasyon.
Dahil sa mga parusa, dalawang susunod na home matches ng Argentina ay isasagawa sa 50% spectator capacity.










