
Kumpleto na ang Round of 16 ng FIFA World Cup 2026 matapos ang pagtatapos ng knockout Round of 32, kung saan opisyal nang nakatakda ang susunod na yugto ng torneo.
Nagtapos ang Round of 32 sa mga panalo ng Argentina, Brazil, England, France, Spain, Portugal, Mexico, Switzerland, Belgium, United States, Norway, Colombia, Egypt, Morocco, Paraguay at Canada upang makausad sa susunod na round.
Magsisimula ang Round of 16 ngayong Hulyo 4, kung saan maglalaban-laban ang natitirang 16 na bansa para sa walong puwesto sa quarterfinals ng pinakamalaking torneo sa mundo ng football.










