Hindi pa natatalo si Swiss tennis star Belinda Bencic sa mga left-handed player mula noong 2024 matapos niyang talunin si Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala sa Canadian Open Round of 16.

Tinalo ni Bencic si Eala sa straight sets, 6-4, 6-0, para umabante sa quarterfinals kung saan makakaharap niya si Coco Gauff.

Naputol naman ang career-best seven-match winning streak ni Eala, kabilang ang limang sunod na panalo sa Mubadala DC Open kung saan siya nagkampeon.

Si Eala na ang ika-10 kaliweteng manlalaro na tinalo ni Bencic mula noong 2024. Kabilang din sa mga natalo niya sina Markéta Vondrousova, Diana Shnaider at Taylor Townsend.

Samantala, nagpasalamat si Bencic sa mga manonood sa Canadian Open matapos siyang suportahan kahit karamihan sa kanila ay umaasa sa panalo ni Eala.

-- ADVERTISEMENT --