Magkakaroon ng big-time fuel price rollback na hanggang P2.45 per liter simula bukas.

Sa magkahiwalay na advisories ngayong araw na ito, may bawas na P2.45 per liter sa gasolina ang Seaoil at Shell Pilipinas.

Ang kerosene at diesel naman ay may bawas na P2.40 at P1.90 per liter, batay sa pagkakasunod.

Ito na ang ikatlong magkakasunod na beses na magpatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis.