
Bahagyang tumaas ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho o livelihoods nitong buwan ng Disyembre ng 2025, vatay sa resulta ng Philippine Statistics Authority’s Labor Force Survey.
Sa press briefing ngayong umaga, iniulat ni National Statistician and PSA chief Claire Dennis Mapa, ang mga walang trabaho, edad 15 pataas, ay umakyat sa 2.26 million mula sa 2.25 million noong Nobyembre.
Ito rin ay mas mataas kumpara sa 1.63 million unemployed na naitala noong December 2024.
Sa percentage na 51.69 million participants sa labor force, na aktibong naghahanap ng trabaho sa nasabing panahon, ang bilang ng walang trabaho ay kumakatawan sa unemployment rate na 4.4 percent, parehong rate noong November 2025 at mas mataas kumpara sa 3.1 percent noong December 2024.
Ito ay nangangahulugan na 44 sa 1,000 individuals ang walang trabaho o livelihoods sa nasabing panahon.










