TUGUEGARAO CITY-Umabot na sa 455 na katao ang naaresto ng kapulisan sa buong probinsiya ng Cagayan dahil sa paglabag sa R.A 11332 mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine dahil sa covid-19 nitong Marso 17, 2020.

Ayon kay Plt. Marjellie Gallardo, bagong tagapagsalita ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO), lahat ng bayan sa Cagayan ay may nahuli kung saan ang Tuguegarao City ang may pinakamataas na bilang ng naaresto.

Bukod dito, 85 katao naman ang nahuli sa Liquor ban at 21 sa illegal gambling.

Aniya, lahat ng mga nahuli ay nasampahan na ng kaukulang kaso.

Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ni Gallardo ang publiko na manatili muna sa tahanan para hindi maahawaan ng covid-19.

-- ADVERTISEMENT --

Tinig ni Plt. Marjellie Gallardo