Umabot na sa 239 mula sa 215 ang lumagda sa ikaapat na impeachment complaint laban kay Vice President sara Duterte.
Ang pang-apat na impeachment complaint ay direktang naipadala sa Senado kahapon na may 215 endorsers.
Ito ang sinabi nina House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong, at Rep. Rodge Gutierrez, na isa sa mga miyembro ng House Prosecution Team.
Sinabi ng mga mambabatas na may mga kasamahan sila na gusto pang humabol para maging complainant sa reklamong impeachment kontra sa bise presidente.
Sa katunayan, sa kanilang bilang ay nasa 239 na ang kabuuang pirma.
Gayunman, ang desisyon kung isasama o hindi ang mga humabol ay naka-depende sa rules ng Senado, na tatayong impeachment court.
Sa ngayon nasa 215 ang orihinal na lumagda at endorsers ng nasabing impeachment complaint, lagpas ito sa requirement na one thirds ng buong miyembro ng Kamara para mapa-impeach ang bise presidente at mai-akyat ito sa Senado.