TUGUEGARAO CITY-Binigyan ng maagang pamasko ng PNP-Sanchez Mira ang binatilyo na kaisa-isang nakaligtas sa naganap na massacre sa isang pamilya ng Agta sa bayan ng Sanchez Mira, Cagayan , kamakailan.
Mga damit, bag at libreng gupit ang ipinagkjaloob sa binatilyo kung saan labis na iginagalak nito ang natanggap na regalo.
Ang binatilyo ay nasa pangangalaga ngayon ng PNP-Sanchez Mira mula nang mangyari ang karumal-dumal na pagpaslang ng tatlong suspek sa ina at dalawang nakababatang kapatid nito noong madaling araw ng Oktubre 7, 2020 sa Brgy Kittag sa nasabing bayan.
Sa pamamagitan ng salaysay nito ay kaagad na natukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek na responsable sa pagpaslang matapos pagtatagain ang mag-iina.
Sa ngayon, nakakulong na ang mga suspek at nahaharap sa kasong multiple murder at frustrated murder.