TUGUEGARAO CITY-Pinagsasaksak ng walong beses ang isang Brgy tanod ng kanyang mismong bayaw sa bayan ng Allacapan, Cagayan, kagabi.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, magkasamang umuwi ang namatay na biktima na si Raymund Anagaran at ang suspek na si Ireneo Salvador Jr. 36-anyos kapwa residente ng brgy Centro West, mula sa inuman nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

Nang makauwi ang suspek sa kanilang tahanan kinuha nito ang isang patalim at muling binalikan ang biktima na kararating lamang sa kanilang tahanan at pinagsasaksak ng walong beses sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Agad namang isinugud sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead-on arrival ng umasikasong duktor.

Nabatid na wala namang naging alitan ang dalawa kung kaya’t maaaring dala lamang ng kanilang kalasingan kaya nagawa ang pananaksak.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, hawak na ng kaupisan ang suspek na nahaharap sa kasong pagpatay.