Matagumpay na natanggal ng mga doktor sa northern India ang buhay na linta sa loob ng ilong ng isang lalaki.

Nakaranas si Cecil Andrew Gomes, ang pasyente, ng pagdurugo ng ilong ng ilang araw at hindi karaniwan na pananakit sa loob nito bago siya pumunta sa ospital.

Gumamit ng telescope method ang surgery na pinangunahan ni Dr Subhash Chandra Verma, ENT specialist at maingat na tinanggal ang linta.

Sa pagsusuri, nakita ng mga doktor ang linta sa kaliwang butas ng ilong ni Gomes at sinisipsip ang kanyang dugo.

Posibleng nakapasok ang linta sa ilong ni Gomes nang maligo siya stagnant waterfall sa Uttarakhand.

-- ADVERTISEMENT --

Bagamat karaniwan na kumakapit ang mga linta sa balat ng tao na naliligo sa mga lawa, hindi naman karaniwan na makakakita nito sa loob ng ilong ng isang tao.

Sinabi ni Dr Verma na mabuti na lamang at hindi nakarating ang linta sa delikadong bahagi ng katawan ng lalaki, sa kanyang utak o mata.