TUGUEGARAO CITY- Problema umano ni Cagayan Governor Manuel Mamba kung papaano gagamitin ang pondo ng pamahalaang panlalawigan na nasa bangko na nasa P4.1b.

Sinabi ni Mamba na naipon ang nasabing pondo dahil sa pagkaantala ng pagkakaapruba ng budget nitong mga nakalipas na taon.

Ayon kay Mamba, nadadaggdagan ang nasabing pondo dahil sa pumapasok na internal revenue allotment.

Sinabi pa ni Mamba na hindi naman maaaring sabay-sabay na ipatupad ang mga nakalinyang mga proyekto gamit ang nasabing pondo.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, marami umano sa mga bangko ang nagnanais na mautang ang nasabing pondo.

Samantala, sinabi ni Mamba na walang dapat ipag-alala dahil sa pagpapatupad ng mga programa at mga proyekto ngayong taon dahil sa naipasa na ang P2.8b na budget ngayong taon.

Sinabi niya na bagamat mas mababa ito ng P300m kumpara noong 2019 ay mayroon namang mahigit P400 na retained budget na maaaring gamiting supplemental budget.