Tumatanggap na ng mga pasyenteng nakagat ng mga hayop na may rabbies ang Cagayan Valley Medical Center-Animal Bite Treatment Center (CVMC-ABTC) matapos itong opisyal na magbukas.
Ayon kay Ramshell Adel Cabantog ng CVMC, bukas ang naturang tanggapan mula Lunes hanggang Biyernes sa oras na alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon maliban sa holidays.
Aniya, ang naturang pasilidad ay DOH Accredited bilang patunay na sila ay otorisado sa pangangasiwa at pagtanggap ng mga pasyenteng nakakagat ng mga hayop na may rabies at ang lahat ng mga nurses at doctors na nakatalaga rito ay dumaan sa tamang training.
Nilinaw nito na hindi tumatanggap ang CVMC-ABTC ng mga pasyenteng nakagat ng ahas dahil ito ay maituturing na emergency cases kayat dapat na dalhin ang pasyente sa Emerency Room ng ospital para sa kaukulang lunas.
Batay sa census na ibinahagi ng Cabantog, mayroon ng 17 pasyenteng naitala ang CVMC-ABTC mula ng magsimula sila sa pagtanggap nitong May 12, 2023.