Nasira ang dalawang sasakyan at isang motorsiklo nang sumabog ang isa sa tatlong granada na inihagis sa isang car rental shop sa Barangay Tangub, Bacolod.

Na-recover ng mga awtoridad ang dalawa pang granada.

Sinabi ni Capt. Greeky Cayao, chief of the Bacolod City Police Station 8, dalawang katao na sakay ng motorsiklo ang naghagis ng mga granada sa nasabing shop ng madaling araw.

Ito ay batay sa kuha sa CCTV camera.

Sinabi ni Cayao na iniimbestigahan na rin nila ang iba pang banta sa pamilya na may-ari ng nasabing shop.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon naman sa may-ari ng shop, wala silang alam na mga taong may galit sa kanila at gusto silang patayin.

Sinabi naman ng mga residente sa lugar na malakas ang pagsabog dahil sa umuga pa ang lupa at inakala nilang lumindol.

Ayon sa pulisya, bago ang insidente, may nakita rin sa CCTV na isang tao na dumaan sa shop at may inihagis.