
Nanawagan si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste sa Office of the President na imbestigahan ang mga ulat ng diskriminasyon sa pamimigay ng ayuda.
Sa isang pulong balitaan ngayong Biyernes sa House of Representatives, ibinunyag ng mambabatas na mayroong isang kapitan ang sinabihan ng presidente ng Liga ng Barangay sa Batangas na hindi sila kasama sa mabibigyan ng ayuda dahil “nagtatampo” raw sa kanila si Governor Vilma Santos-Recto.
Ayon sa kongresista, naipaabot na nila ang naturang isyu sa Malacañang at tiniyak naman umano ng Palasyo na ihahabol ang P200,000 para sa mga barangay na hindi naisama sa pamamahagi ng ayuda ngayong araw.
Nanawagan si Leviste kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibigay ang naturang halaga sa mga hindi naimbitahang barangay at imbestigahan ang pamimigay ng ayuda sa pangunguna umano ni Executive Secretary Ralph Recto.
Umapela rin ang mambabatas na suspendihin ang excise tax at value-added tax sa langis upang hindi na madamay pa ang taumbayan sa maling sistema ng pamimigay ng ayuda.
Kaugnay nito, naghain din ngayong araw si Rep. Leviste ng isang House Resolution na humihimok sa Office of the President na imbestigahan ang mga ulat ng diskriminasyon at posibleng korapsiyon sa mga ayuda program sa mga barangay para matiyak ang transparent, patas at episyenteng p










