Hindi humarap ang opisyal na kinatawan ng unlicensed gambling hub Lucky South 99 sa Pampanga na si Cassandra Li Ong sa Senate panel na iniimbestigahan kung paano sila nakatakas ng mga kasamahan mula sa Pilipinas nang hindi natutukoy ng mga awtoridad.

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, si Ong ay nasa ilalim ng kustodiya ng Kamara.

Nadakip sina Ong at Shiela Guo, kapatid ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo, sa Batam, Indonesia at ibinalik sa Pilipinas dahil sa warrants na ipinalabas ng congressional bodies na nagsasagawa ng imbestigasyon aid of legislation.

Sinalakay ng mga awtoridad ang compound ng Lucky South 99 nitong taon kasunod ng mga ulat ng mga ilegal na aktibidad sa nasabing Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

Nagpatulong din si Ong kay Harry Roque, dating tagapagsalita ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang legal issues.

-- ADVERTISEMENT --

Inatasan ni Hontiveros ang committee secretariat na alamin kung makadadalo si Ong sa Senate hearing sa pamamagitan ng online link.

Nagpadala ng liham ang Senate panel sa kanilang House counterparts upang hilingin ang presensya ni Ong sa kanilang pagdinig, subalit wala pang natatanggap na tugon ang secretariat.