Inihayag ni Senate President Alan Peter Cayetano na may mga umano’y kilos na naman upang mapalitan ang liderato sa Senado ilang araw lamang matapos siyang mahalal bilang pinuno ng kamara.

Ayon kay Cayetano, may ilang senador mula sa bagong mayorya ang nakatatanggap umano ng tawag at pananakot kaugnay ng planong panibagong pagpapalit ng Senate President sa darating na Lunes.

Gayunman, sinabi ni Cayetano na hindi na niya nais palakihin pa ang usapin at itinuring niya itong bahagi na lamang ng pulitika.

Nagpahayag din siya ng kumpiyansa sa 13 senador na bumoto upang mahalal siya bilang Senate President kapalit ni dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Samantala, sinabi naman ni Senador Jinggoy Estrada na inaasahan na umano nila ang naturang mga hakbang dahil hindi umano matanggap ng ilan ang pagpapatalsik kay Sotto sa puwesto.

-- ADVERTISEMENT --

Si Cayetano ay nahalal bilang Senate President noong Lunes matapos ang naging pagbabago sa liderato ng Senado na nangyari kasabay ng mga usapin kaugnay ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.