Hinihikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga pamilyang Pilipino na gawing sentro ng kanilang Semana Santa ang panalangin at espiritwal na pagbabalik-loob, sa halip na pagtuunan lamang ng pansin ang mga reunion, salu-salo, at routine traditions.

Ayon kay Lipa Archbishop Gilbert Garcera, presidente ng CBCP, ang banal na linggo ay panawagan sa mas malalim na pakikipagtagpo sa pananampalataya, na nakaugat sa pagmumuni-muni sa Passion, kamatayan, at muling Pagkabuhay ni Hesus.

Ani Garcera, ang panahong ito ang simpleng pagtitipon para sa pagdarasla ng bawat pamilya at paghikayat sa mga mananampalataya na suriin ang kanilang buhay, kilalanin ang mga pagkukulang, at humingi ng kapatawaran.

Binanggit din ng arsobispo ang kahalagahan ng komunidad, at hinihimok ang mga parokya at kapitbahayan na magsama-sama sa panalangin at pagtutulungan.

Sa buong bansa, isa ang Semana Santa sa pinakamahalagang religious observances, na ginugunita sa pamamagitan ng mga tradisyon tulad ng prusisyon, Visita Iglesia, at iba pang anyo ng debosyon.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy naman pinaaalalahanan ng mga lider ng simbahan ang mga mananampalataya na ang mga ito ay para palalimin ang espiritwal na buhay, hindi upang palitan ito.