Nananatiling nasa alanganin ang tatlong araw na ceasefire sa pagitan ng Ukraine at Russia matapos parehong mag-ulat ang dalawang panig ng mga pag-atake nitong nakaraang weekend.

Ayon sa Ukrainian air force, nagpakawala ang Russia ng 27 long-range drones noong gabi, ngunit lahat ay napabagsak ng air defenses ng Ukraine.

Iniulat din ng mga awtoridad sa Ukraine na may hindi bababa sa tatlong nasawi dahil sa Russian drone strikes sa mga lugar malapit sa frontline, habang mahigit 200 na labanan ang naitala mula Sabado.

Ang pansamantalang tigil-putukan ay inihayag noong Biyernes sa ilalim ng US mediation sa pangunguna ni US President Donald Trump bilang bahagi ng peace efforts, ngunit nananatiling walang malinaw na direksyon ang mas malawak na kasunduan upang tapusin ang mahigit apat na taong digmaan.

Kasama rin sa napagkasunduan ang palitan ng 1,000 bilanggo ng digmaan mula sa magkabilang panig, ngunit wala pang kumpirmasyon kung kailan ito isasagawa.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabila nito, hindi pa pormal na inaakusahan ng Ukraine ang Russia ng paglabag sa ceasefire deal, habang patuloy ang tensyon sa frontline areas.