
Umaasa ang Ukraine sa panibagong hakbang ng United States para suportahan ang bansa kasunod ng midterm elections, ayon kay Ukrainian Foreign Minister Andrii Sybiha.
Sinabi ni Sybiha na mahalaga pa rin ang papel ng US at ni Pangulong Donald Trump sa pagwawakas ng digmaan kontra Russia, ngunit kailangan ding magkaroon ng mas malaking papel ang Europe bilang katuwang sa pagsisikap na makamit ang kapayapaan.
Nakatakdang makipag-usap ang Ukraine sa Russia at US sa Abu Dhabi sa susunod na linggo, at handa umano itong samantalahin ang anumang pagkakataon upang mapabilis ang negosasyon.
Gayunman, iginiit ni Sybiha na kailangang patuloy na igiit ang Russia na makipag-usap nang seryoso dahil wala pa umano silang nakikitang palatandaan ng kahandaan nito para sa tunay na negosasyon.










